27 September 2009

11 September 2009

Sasakyan at gas.

Nakakatuwa. Napakaganda ng advise ng kaibigan ko minsan na nagusap kami.

Sabi niya,  lahat daw tayo ay parang sasakyan. Ang motivation daw ay parang gas.

Kung walang gas, hindi aandar ang sasakyan.

Kaya naman pala hindi ako umaandar dati. Wala akong gas.

Pero ngayon, iba na ang sitwasyon - baliktad na. Naguumapaw ang gas na para bang hindi na mauubos.

Saan tayo next na pupunta?? Excited na ako.