Chapter 1 Lost and Found
Nagising ako ng maaga ngayon para pumunta sa ninang ko na doctor.
Balak ko sana siyang dalahan ng cake dahil alam ko na hindi siya nagpapabayad kaya dumaan muna ako sa Chocolate Kiss.
Pagdating ko sa Chokiss, wala silang tindang na buong cake, puro tingi lang. Alangan naman magdala ako ng cake sa ninang ko na isang or dalawang piraso lang. Baka isipin niya dinekwat ko yung ibang parte ng cake. Hindi nalang ako bumili. Naisip ko baka meron mabibilhan along the way, wala pala...
Nagtaxi nalang ako kasi tinatamad ako maglakad ng malayo. Sabi ko sa driver sa Tandang Sora.
Nawala ako. Iba ang dinaanan ng driver. At wala akong idea kung nasang parte ako ng Tandang Sora. Palayo na ako ng palayo, kaya bumaba nalang ako KUNG SAAN at naisip ko sumakay nalang ng KUNG ANONG jeep...
Pagkatapos ng isang mahaba at matrapik na biyahe, tumigil na ang jeep sa terminal niya. nagbabaan na lahat ng mga tao. Wala akong choice kundi bumababa narin.
Naglakad lakad ako ng konti. Nagulat ako sa tuamambad sakin. CHENEN! Eureka! Yung clinic ng ninang ko nasa tapat ko! WOW Magic! Hindi ko alam kung paano nangyari yon. It must be some kind of power.
Chapter 2 Ako si Bonjing
Nakalimutan ko pala sabihin na yung Ninang ko ay isang Pediatrician. Nakakatawa yung sumunod na eksena, dahil pagdating ko sa clinic niya, ang daming BATA, BABY, TODLERS, NANAY, TATAY, YAYA na nakapila. Apparently, ako lang ang BAGETS, yebah!
Kinausap ko yung assistant ng clinic at sabi ko magpapatingin ako kay doctora. Pinafill-up niya ako form na may picture ng baby at iba pang mga cute things. May checklist din kung "Breast-fed ka o Bote"
Tinawag ako ng assistant ni doc. Para magtimbang. Tinanggal ko yung sapatos ko. Kailangan ko yumuko para hindi mauntog sa cabinet.
Binigyan din ako ng nurse ng termometer para ipasok ko sa kilikili ko.
Feeling ko, ang Bonjing ko. Nagmukha akong damulag doon. Nakipaglaro din ako sa mga bata, kasi sila yung lumalapit sakin :D (si Bonjing ay isang pelikula tungkol sa isang isip bata na malaking tao na ginampanan ni Jimmy Santos.)
Chapter 3 Something to kill yourself
Chineck up ako ni doc. Dinikit niya yung stethoscope at pinahinga niya ako. "Very good" daw ako huminga. DUH, hindi naman mahirap huminga.
Sabi niya may Bronchal Pneumonia daw ako. (Bakit kaya ang hirap iispell ang pneumonia? Naisip ko lang ang daming silent letters pwede naman "nmnia" or "numonya" I hate words with silent letters, try mo nga spell ang hippopotomonstrosesquippedaliophobia!!!!) hehehe Anyway, uminom daw ako ng antibiotic, yun lang ang kailangan ko gawin at gagaling na ako. Ang mahal isang daan isang tableta. Namulubi ako. Alam mo naman minimum wage earner lang ako.
Buti nalang daw naagapan, kung hindi, sa ospital daw ako pupulutin. Hahaha.. parang basura lang ako.. pinupulot. Sabi niya "alam mo iho kaya ka nagkapneumonia, you are doing something.. probably killing your self..." sabay nag grin siya.
Ok na.. naresetahan na ako. Nagthank you, at nagbabye na kay doc ninang.
Nastuck saakin yung sinabi niya. "you are probably killing yourself"
Meron siyang alam sakin. Meron siyang narinig or nakita at nalaman niya na may ginagawa ako that is killing me na nagresult sa pneumonia ko.
Nagets ko ang gusto niyang sabihin. Kailangan ko na magbago. Kung ano man yung source ng sakit ko, kailangan ko ng baguhin ang attitude ko towards health.
Wake up call para sakin, at siguro sayo din.
10 comments:
buti nga sayo ...gusto mo ma ricky haton! hahaha
ang panget ni pacquiao, para siyang may TB
pakshet!! natawa ako bongga! :)) well, simula palang ng blog mo hanggang sa katapusan tawa nko ng tawa!hahaha..
napaka-comical mo magkwento!
well, anyway, ayan, magpagaling ka na.. tama na kasi ang damo, bato, K, MJ, katol, baygon, at kung anu anu pa.. :))
juya, why are you killing yourself?
Rah, may yosi ka pa?? yosi tayo! tara! =)
tsk tsk..matulog ka kasi..=)
korni yosi. di ako nagyoyosi :)
there is life after death? hehehe
alam neh! :))
hihihi..nkakatuwa ka naman kuya ra! magaling knb?
oh no!!! is there something ur not telling me???heheheh get well soon ga
Post a Comment