Gasolina
by Rah
by Rah
"The vanity of existence is revealed in the whole form existence assumes: in the infiniteness of time and space contrasted with the finiteness of the individual in both; in the fleeting present as the sole form in which actuality exists; in the contingency and relativity of all things; in continual becoming without being; in continual desire without satisfaction; in the continual frustration of striving of which life consists."
-- Arthur Schopenhauer
Chapter I
Ito ang text sa akin ni Joey noong gabi ng September 24. Busy ako noon sa aking term paper sa school kaya hindi ko na binigyan ng pansin ang text niya. Binura ko lang ang text niya ng ganun-ganun lang, wala na kasing space sa cellphone ko. Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana'y nireplyan ko siya.
Kababata ko si Joey. Magkaklase kami mula ng grade one hanggang high school sa Baguio Central School. Naaalala ko pa ang unang araw na nagkakilala kami, sinamahan niya ako sa clinic noong minsang masugatan ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa sa P.E. Ang tagal na nun, dalawampung taon narin ang nakakaraaan. Masayahing kaibigan si Joey, mahilig mang-trip at mang-good time, pero pag oras na seryoso, seryoso din siya. Totoo siyang kaibigan at handa ka niyang protektahan sa oras ng pangangailangan.
Noong third year high school naging officer siya sa C.A.T. Pangarap na talaga niyang maging sundalo sa simula palang. Sabi ko sa kanya, wala siyang mapapala sa pagiging sundalo, walang pera doon, atsaka, wala namang giyera sa Pilipinas. Pero desidido siya. Sabi niya, "Ang pagiging sundalo ang solusyon..." Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Ganun talaga si Joey -- pilosopikal, madalas malabo, pero sanay na ako.
Nakahiligan ko naman ang pagsusulat para sa aming school paper, na para kay Joey ay mas-lalong kasayangan ng oras. Mas mabuti pa daw magtanim nalang ng kamote kaysa magsulat ng mga walang kakwenta-kuwentang kung anu-ano. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan ni Joey gayong ang layo ng aming kinahiligan. Isang bagay lang siguro kami talagang nagkakasundo - sa musika.
Naaalala ko pa ang mga panahong gumawa kami ng banda, ako ang gitarista at siya naman ang bokalista. Simple lang naman ang pangarap namin - ang magkaroon ng album at ma-feature sa magazine, isang pangarap na alam naming malabong matupad. Yano, Eheads, Parokya, Siakol, Razorback, Wolfgang, lahat na ata ng banda noon memorize namin. Sa dami at tagal ng aming pinagsamahan, higit pa sa magkapatid ang turing namin sa isa't isa.
Noong third year high school naging officer siya sa C.A.T. Pangarap na talaga niyang maging sundalo sa simula palang. Sabi ko sa kanya, wala siyang mapapala sa pagiging sundalo, walang pera doon, atsaka, wala namang giyera sa Pilipinas. Pero desidido siya. Sabi niya, "Ang pagiging sundalo ang solusyon..." Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Ganun talaga si Joey -- pilosopikal, madalas malabo, pero sanay na ako.
Nakahiligan ko naman ang pagsusulat para sa aming school paper, na para kay Joey ay mas-lalong kasayangan ng oras. Mas mabuti pa daw magtanim nalang ng kamote kaysa magsulat ng mga walang kakwenta-kuwentang kung anu-ano. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan ni Joey gayong ang layo ng aming kinahiligan. Isang bagay lang siguro kami talagang nagkakasundo - sa musika.
Naaalala ko pa ang mga panahong gumawa kami ng banda, ako ang gitarista at siya naman ang bokalista. Simple lang naman ang pangarap namin - ang magkaroon ng album at ma-feature sa magazine, isang pangarap na alam naming malabong matupad. Yano, Eheads, Parokya, Siakol, Razorback, Wolfgang, lahat na ata ng banda noon memorize namin. Sa dami at tagal ng aming pinagsamahan, higit pa sa magkapatid ang turing namin sa isa't isa.
Fourth year na kami noong nakilalala ni Joey ang girlfriend niyang si Senya. Lagi ko silang kasama sa recess at uwian. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Ang sobrang pagmamahal narin siguro sa isat-isa ang dahilan kung bakit binigyan sila ng Diyos kaagad ng anak. Walang nag-akalang si Joey pala ang unang magiging tatay sa aming mga magkakaibigan.
Nung ipinanganak ang baby niya, sinamahan ko pa nga siya sa ospital. Nasaksihan ko kung gaano siya kasayang makita ang anak niya. Ako pa nga ang nag-suggest na "Bianca" ang ipangalan sa anak niya. Ang ibig sabihin kasi ng Bianca ay maputi. "Wow improvement ng lahi!" - 'yon pa nga ang joke ng mga kaklase namin, gayong pareho kasing kayumanggi si Senya at si Joey.
Nung ipinanganak ang baby niya, sinamahan ko pa nga siya sa ospital. Nasaksihan ko kung gaano siya kasayang makita ang anak niya. Ako pa nga ang nag-suggest na "Bianca" ang ipangalan sa anak niya. Ang ibig sabihin kasi ng Bianca ay maputi. "Wow improvement ng lahi!" - 'yon pa nga ang joke ng mga kaklase namin, gayong pareho kasing kayumanggi si Senya at si Joey.
Pagkagraduate namin sa high school, nagkolehiyo ako sa Maynila, si Joey naman, pinagpatuloy niya ang kanyang pagiging sundalo sa Philippine Military Academy sa Baguio. Alam kong mahirap maging isang PMAer, ngunit wala akong duda na makakayanan niya iyon. Kahit anong hirap ay malalampasan niya, lalo pa't inspirasyon niya ang kanyang girlfriend at anak. Isang taon narin ang nakakaraan mula noong pumasok siya doon.
Chapter II
Chapter II
1:00 a.m. ng madaling araw October 3. Tinawagan ako ng tatay ni Joey. Nasa ICU ng
Baguio General Hospital raw si Joey. Nagmadali akong pumunta sa Baguio. Pinara ko ang unang taxi na dumaan sa Katipunan kung saan malapit ang dorm ko. Sinabi ko sa taxi driver na dalhin ako sa istasyon ng Victory Liner sa Cubao at lumuwas sa unang bus na papuntang Baguio.
8:30 a.m., pagdating sa Baguio, sumakay ako ng taxi papuntang Baguio General Hospital. Dumiretso ako sa Intensive Care Unit kung saan naka-confine si Joey. Nalaman ko na nagtangkang magpakamatay si Joey sa paginom ng isang bote ng Muriatic Acid.
Tunaw at sunog sa asido ang kanyang bibig at lalamunan, tuklap at sunog ang kanyang balat sa leeg, hirap siyang magsalita at naghihingalo sa paghinga. Maya't maya ay umuubo siya ng dugo. Maya't maya sumisigaw at namimilipit sa sakit.
Chapter III
"Bakit 'tol?"Hinawakan ko ang kamay ng akin kaibigan. Hindi ko napigilang tumulo ang aking luha noong sabihin niyang:
"Patawad 'tol... 'Di ko na... kaya."Dinala si Joey sa operating room. Gulat pa rin ako sa mga pangyayari. Sinamahan ko siya habang tinutulak ng mga nurse at doktor ang kanyang kama sa operating room, ngunit pinigilan ako ng nurse pagdating sa pinto.
Chapter III
Nalaman ko sa kanyang nanay hindi na pala makakabalik si Joey sa PMA. Officially dismissed na ang status niya kasabay ng lima pang estudyante dahil daw sa academic deficiency, deficiency in conduct, at failure in aptitude. Hindi ako lubos na makapaniwala. Imposibleng maging dahilan ito nang pagka kick-out niya sa akademiya. Alam kong wala ng ibang pinangarap ang kaibigan ko kundi ang maging sundalo.
Nalaman ko din sa kanyang nanay na si Senya raw ay lumipad na papuntang Singapore kasama ng totoong tatay ni baby Bianca. Hindi pala talaga tunay na anak ni Joey si baby Bianca kay Senya. Di umano, matagal na palang nakikipaghiwalay si Senya kay Joey, at nagkaroon lamang siya ng lakas ng loob at rason na iwan si Joey noong ipinakita niya ang medical documents na nagpapatunay na hindi si Joey ang totoong tatay ni baby Bianca.
Isang gabi bago ang paginom ni Joey ng muriatic acid nagkaroon ng matinding pagtatalo si Joey at Senya at nagbanta si Joey na magpapakamatay kung itutuloy ni Senya ang paglipad sa Singapore kasama ang kanilang anak. Walang nag-akala na tototohanin pala ni Joey ang kanyang banta. Hindi ko maintindihan kung paano nagawa ni Senya iyon. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko pa rin lubusang maunawaan kung paano humantong sa ganito.
Chapter IV
Sinabi ng doktor na talagang malubha ang pinsala ng muriatic acid sa lalamunan, baga, sikmura, at bituka ni Joey. Hindi naa-absorb ng kanyang sikmura ang nutrisyon at gamot na kanyang kailangan. Hindi daw nila magagarantiya na bubuti ang kalagayan ni Joey. Isang linggo na lamang daw ang taning ng buhay ni Joey. Kailangan daw naming ihanda ang aming sarili.
Chapter V
Binawian ng buhay si Joey 9:30 ng umaga, Lunes, October 7.
Chapter VI
Hindi ko marinig ang musika na pinapatugtog ng caro ng patay dahil sa lakas ng ulan, pero naririnig ko pa rin sa isip ko kung paano noon tinugtog ni Joey ang mga paborito naming mga kanta, naaalala ko parin ang mga pangarap naming maging sikat na banda, ang pag bili namin ng una niyang gitara, ang kantang una naming tinugtog. Parang pinagsakluban ng langit ang araw na iyon, napaka-dilim ng kalangitan at napaka-putik ng paligid ng libingan. Sariwa pa sa isip ko kung gaano siya kasaya noong makita niyang ipinanganak si baby Bianca. Alam kong nakita niya ang kinabukasan sa mata ng batang iyon.
Hindi pa rin ako lubos makapaniwala kung paano nagawa ni Joey na magpakamatay. Malayo sa aking hinuha na magagawa niya iyon. Araw-araw tinatanong ko ang sarili ko kung saan magsisimula at kung saan magtatapos ang aking pang-unawa. Humihingi siya ng tawad, pero hindi ko maintindihan kung anong klaseng tawad ang nais niya.
Sana'y naroon ako sa tabi niya sa mga pinaka-madilim na oras ng kanyang buhay. Sana'y naroon ako para makinig sa kanyang problema. Sana'y naroon ako para pawiin ang lungkot, galit, at pangungulila niya. Sana'y naroon ako para sa kanya -- katulad ng mga panahong naroon din siya para sa akin sa tuwing ako naman ang nangangailangan. Ganoon ang tunay na magkaibigan -- laging nandyan hindi lang sa oras ng saya, ngunit mas lalo na sa oras ng lungkot. Sa totoo lang, walang araw ang lumipas mula noon na hindi ko sinisisi ang sarili ko. Wala man lamang ako nagawa para matulungan ang kaibigan ko sa oras ng kanyang kalungkutan.
Naalala ko ang huling text niya sakin. Ang text niya na sana ay hindi ko binura at binale-wala:
"Kung wala ng gasolina ang kotse, hindi na ito aandar."
Mali ka Joey... Aandar pa rin ang kotse kahit wala ng gasolina. Kailangan lang ay payagan mo ang mga taong nagmamalasakit at nagamamahal sayo na itulak ang kotse sa pinaka-malapit na gasolinahan.
Ito sana ang irereply ko sayo.
Pero huli na ang lahat.
Ito sana ang irereply ko sayo.
Pero huli na ang lahat.
End Notes:
1. Eto po ang entry ko sa pacontest ni sir GasolineDude BLOGVERSARY WRITING CONTEST. Sali rin po kayo para sa chance na manalo ng mga limpak limpak at umaatikabong mga papremyo! But wait, there's more! Why wait! What a great offfa! :p
2. DISCLAIMER po: All characters appearing in this work are PURELY FICTITIOUS and IMAGINARY. Any resemblance to real persons, living or dead, is PURELY COINCIDENTAL .
3. Thanks so much for reading. Kung nakarating po kayo sa part na ito, ibig sabihin, binasa niyo at tinapos talaga kahit mahaba. Maraming maraming salamuch!
4. 2x na salamuch sa mga regular readers at comments. Always appreciated. 3x na salamuch sa mga suggestions at corrections ng mga friendly friends habang sinusulat ito.
5. Ang moral lesson po ng story ay ito: "Huwag snubbish. Magreply. Magtext. Makialam." hehe oktnxbye! :D
12 comments:
antindi ng lahok mo sa pakontes ni gasdud, talagang A for Aeffort, pwede na rin to for SBA, goodluck!!
bravo!! the simplest things / happenings make the most impact in our lives.
parang ngayon lang kita nakitang sumali sa mga contest.
Antindi ng entry. naku... kelangan ko na din pala gumawa, hahaha.
Merry Christmas sa inyo ni Ms. Sweet Pea. :D
bro this post is really good. konting palabok pa at im sure mas ggnda pa ito :)
@Rah: I like the simplicity; heart-felt kasi yung post. :D (@Rico: sorry if I'm disagreeing with your comment.)
Tindi! Minsan na nga lang magpost ng tagalog, super haba pa! hehehe :) Tinapos ko naman.*clap*clap*clap nice entry rah,goodluck! :)
"Aandar pa rin ang kotse kahit wala ng gasolina. Kailangan lang ay payagan mo ang mga taong nagmamalasakit at nagamamahal sayo na itulak ang kotse sa pinaka-malapit na gasolinahan." - wala akong masabi kundi ang GALING! :)
galing po. good luck sa entry
Me punto ka Running Panda.. sa buhay para umusad ka, kailangan mo ng kaagapay.. hindi isa kundi mas marami para pag ang isang kaagapay ang maging sanhi ng pinsala o paghinto ng buhay; ang ibang kaagapay ang gagamot niyon.
shet! ang tapang ni joey. ako kasi, takot akong magpakamatay. iniimagine ko pa lang uminom ng muriatic, urong na agad etits ko. pero minsan, tinopak kami ng mga katropa ko tas uminom kami ng gin na may halo ng konting master eskinol. hanggang ngayon, buhay pa naman kami. lol!
good luck sa entry, parekoi. ang saya, daming sumali sa pakonteshit ni ser gasul! \m/
After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)
Wow. ang gagaling niyo talaga
@McRich, Roni, Khant, Rico, Chad, Con, Rence, Gina, L, maraming salamat sa suporta :)
@Gasoline Dude, Sa wakas! :) Thanks sa pakontest :) sana marami pang pakontest na ganito. :)
Post a Comment